Saturday, August 23, 2008

Mithi



Noong ako'y musmus pa lamang, sing tayog ng punong ito ang aking mithiin. Sa tuwing akoy tatanungin ng mga nakakatanda "ano ang gusto kong maging pag laki ko", ang tanging sagot ko ay maging doctora o di kaya'y abogada. Tulad ng sagot ng ibang batang wari'y nakaguhit na sa aking kapalaran. Lumipas ang panahon, aking natanto na di pala ganon kadali makamit ang mga ito. At ng nagkaisip, samu't-saring karanasan ang aking napagdaanan na syang naging daan upang mahanap ko ang aking kapalaran.



Di man ako naging doctora o abogada, isang tunay na mithiin ang aking na-abot at patuloy na aabutin...ang maging mabuting ina....


At sa bawat araw na dumating, mithi kong lumaking mabait at mabuting tao....

...mapagmahal


... at masaya ang mga ANAK KO... Alam kong, sa tulong ng aking mahal na kabiyak ang mithiing ito'y makakamit.

Ito ang aking lahok sa temang Mithi ng Litratong Pinoy.

1 comment:

MrsPartyGirl said...

grabe, nakakat-touch naman itong entry mo! ako din nung bata, napakatayog ng aking mga pangarap. pero ngayon, pakiramdam ko kahit na makamtan ko ang aking matataas na pangarap, hindi naman nito maibibigay ang kaligayahan na nadarama ko ngayon bilang isang ina. :)

uy ganda ng pic ni zoe at josh! cute nila talaga. :)