Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Saturday, August 23, 2008

Mithi



Noong ako'y musmus pa lamang, sing tayog ng punong ito ang aking mithiin. Sa tuwing akoy tatanungin ng mga nakakatanda "ano ang gusto kong maging pag laki ko", ang tanging sagot ko ay maging doctora o di kaya'y abogada. Tulad ng sagot ng ibang batang wari'y nakaguhit na sa aking kapalaran. Lumipas ang panahon, aking natanto na di pala ganon kadali makamit ang mga ito. At ng nagkaisip, samu't-saring karanasan ang aking napagdaanan na syang naging daan upang mahanap ko ang aking kapalaran.



Di man ako naging doctora o abogada, isang tunay na mithiin ang aking na-abot at patuloy na aabutin...ang maging mabuting ina....


At sa bawat araw na dumating, mithi kong lumaking mabait at mabuting tao....

...mapagmahal


... at masaya ang mga ANAK KO... Alam kong, sa tulong ng aking mahal na kabiyak ang mithiing ito'y makakamit.

Ito ang aking lahok sa temang Mithi ng Litratong Pinoy.

Saturday, August 16, 2008

Liwaliw




Sa klase ng trabaho ng aking mahal na kabiyak, nagkaroon ang aming pamilya ng pagkakataong makita ang iba't-ibang lugar. Sa bawat paglalakbay, iba-ibang karanasan at iba't-ibang tanawin ang nasisilayan na syang nagsisilbing palatandaan sa aking isipan. Ito ang aking lahok sa paksang "Liwaliw" kung saan kakaibang kapayapaan ang aking naranasan.

Friday, August 1, 2008

Dalampasigan





Munting muni muni sa Panglao, Bohol.